DiaryNgPanget <3
- Chad: Miss.. Anong oras na?
- Eya: Oras na para mahalin mo ako..
Jersey, you are awesome. And I don’t think I could function properly without your awesome complementing mine.Kevin | TDG Book 2
Bakit ko ‘to pinaglalaban? Kasi alam ko sa sarili kong worth it pag naging kami ulit.. Good things come to those who wait ‘di ba? Pati.. Alam kong sa kanya ako sasaya. Okay lang na mapagod ako ngayon, basta sa dulo sure akong magiging masaya kami. Magiging masaya ako.Jersey | TDG Book2
Yo Debs.Anak ng tinapa, ang hirap hagilapin ng mga regalo ko sa’yo ah! Lalo na yang video greeting na yan!! Kinapalan ko mukha ko para mavideohan si Coco Martin. Sana hindi nya ko pinagkamalan na bading ;((Teka. Nagustuhan mo ba? Sorry kung may letter pang kasama tong regalo ko sayo. Actually dapat DVD boxset ng Hana Yori Dango yung bibigay ko, kaso meron ka na pala. Kainis ka sarap mong batukan!What to write? Hmmm. I really don’t have a clue! I’m not good with words. I mean, sometimes words are useless. They’re never precise enough to convey these chemical reactions that ‘s happening in our body system. Take the word love for instance. How can a monosyllabic word express the asdfghjkl feelings that you suppress when you’re in love? Parang timang lang.This is bullsh*t. Dapat binili ko na lang yung DVD ng Gokusen The Movie. Feel ko mas trip mo pa yun kesa sa sulat ko. Stop reading HERE.Aaaaaaaagggh. Ang yaman diba, pinagtyagaan kong isulat yang Aaaaaagggh na yan! :DDAno pa ba? Wala nakong maisip!Hmmm. Let me tell you a story. Okay lang ba?Hmmm. This accident happened a year ago. Sa UP Diliman. Nakilala ko yung babaeng mataray na maganda. Sabi ko sa sarili ko, “Wow chicks! Pero hindi naman to yung type ko. Masyadong maganda.” Sa totoo lang ewan ko kung bakit sa dinami-dami ng taong nandun, ikaw pa ang pinagtanungan ko. Akala ko kasi mabait ka e (It turns out… Haha! :DD). Pero mali nga ako, hindi ka mabait. Minalas ako dahil sa’yo. Kaya sobrang inis ko.I admit, sobrang asar ako sayo that time. Aba, sino bang hindi maiinis dun ha?! Naligaw ka na, nalate pa sa exam! Kainis talaga.Eventually nakalimutan din kita after a week. Sorry ka, masyado akong busy nun. Then pumunta ako sa ATC, tanda ko pa yung araw na yun. September 17. Nag-iikot lang ako nang.. nakita kita sa may TimeZone, naglalaro ng Guitar Hero. Kasama mo ata nun si Paul? Ewan basta. Sabi ko, “Hanep astig nitong babaeng to ah! Sya na magaling!” Tapos nag-abot ka ng P500, pinaloadan mo yung card mo. Wala lang, pinanuod lang kita dun for 20 minutes. Aalis na sana ako nang napatingin ka sa direksyon ko.And you smiled at me. (Okay, assuming ako. May 75% chance na hindi mo ko napansin nun.)Ewan. Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin yung ngiti mo. Pramis! Kung magaling lang akong magdrawing, dinrawing ko na yun para sayo. Diba?February 19. Naghahanap ako ng coursemate sa UPCAT results. Nakita ko yung pangalan mo. Talagang uminit ang ulo ko! As in! Tapos nakita kita nung Medical, enrollment.. Naknang teteng kainis. Ang nakakatawa pa, mga 3 minutes lang yung mga inis moment ko sayo. Kasi pag iniisip ko na,”Nakakabwisit tong babaeng to! Kaya di ako nakapasa ng ComSci e!”, biglang sumusulpot yung ngiti mong yon. Until now, kapag naiinis ako sayo, naiisip ko pa rin yung ngiti mo. Kahit ilang beses mo akong ngitian, mas tumatak sakin yung first smile mo yun. Lintik parang timang lang.Tanda mo pa ba yung sinabi ko sa’yo na ako si ‘Edward’, biglaan lang yun. Feeling ko kasi ang sarap sarap mo asarin. Which is very true. Haha! Ang benta pa rin sakin nung facial expression mo nung nalaman mo na hindi pala ako si ‘Edward’. Sarap kunan e!Bad luck or serendipity? Tanong ko yan sa sarili ko nung first sem. Sa halos lahat na lang palagi kitang kasama! Nakakaasar talaga! Kaya ang ginawa ko, naging bwiset lang naman ako sa buhay mo. Nakakaramdam kasi ako ng fulfillment pag inaasar kita e! Ako na masama, pero kung hindi ko ginawa yun, san na tayo pinulot ngayon noh?!Unang sagot ko sa tanong ko, hulaan mo nga? Hmmm.. Bad luck. Palagi ka kasing nakasimangot pag kasama mo ako. Ni hindi kita mapangiti. Kaya kita tinawag na Devil Woman. Aangal ka pa!?Birthday ko nung marealize ko na.. siguro destined talaga na magkakilala tayo. Wala lang. Hindi ko maexplain kung bakit lutang na lutang ako after nung surprise mo sakin. Ikaw pa lang talaga nakagawa para sakin ng ganun e! Dun ko narealize na.. ang sarap mo palang kasama.Gusto mo bang malaman kung pano ko narealize na mahal kita? BELAAAAT PILITIN MO MUNA AKO! HAHAHAH! Nakakahiya kaya yun. Ayoko ikwento.Alam mo ba na dapat hindi ako aamin sayo? Wala lang. Natakot kasi ako na baka magalit ka sakin. Sa dami ba naman nating pinagdaanan! (Naks me ganun?) And you said that you liked me back then. Baka isipin mo na tinetake advantage ko ang pagiging close natin. The same old boring stuff. Kung alam mo lang ang hirap na pinagdaanan ko para mapansin mo!Tsaka naisip ko.. masyado ka nga palang high maintenance. You’re not even my ideal girl! Tipo ko kasi yung mga simple lang, tas tahimik. Hindi katulad mo na napakabalahura. Babae ka nga ba talaga!? Nakakainis e. Minsan ang takaw takaw mo. Minsan manic depressive ka. Walang matinong lalaki ang magtitiis na maging boyfriend mo.Hephep, parang matino ako noh? :PDapat nga proud ka e! Ikaw ang first girlfriend ko. Swerte ka sa lahat! :D Mayabang ako! Pero mas gusto kong marinig na sabihin nila na “Ang swerte mo naman kay Jersey!” kesa “Jersey, ang swerte mo kay Kevin!”Kasi yun naman talaga ang totoo: swerte ako sayo. Wala na kong hahanapin pa e! Nasayo na lahat! Well, mas maganda siguro kung mahaba ang pasensya mo. :DSeriously, I really want to thank you. Thank you for giving me the opportunity of being your boyfriend. You even broke your promise because of me. Minsan nga, napapaisip ako (Gayahin mo kasi ako, ginagamit ang ulo. Joke! Love you!).. Do I reallly deserve someone like you? I think you’re too good for me. But whenever I remember that smile, my worries will vanish. Kahit bwiset ako, thank you for giving me this chance.Pag nagyayaya kang umalis dati, alam mo bang kinakabahan ako kung saan mo ko dadalhin? Baka kasi mamaya mapatay ako sa pupuntahan natin e! Sa dalas nating magkasama, nawala yung takot na yun. Next time na yayain mo akong umalis, I won’t hesitate. Kahit sa hell pa tayo pumunta, okay lang. Anywhere’s fine, as long as I’m with you. (Pero please wag naman dun, okay? Metaphor lang yan!)Hindi ka ba natatawa sa set-up natin? We’re not the typical couple. Ako lang ba nag-iisip nun!? Imbes magsweet-sweetan tayo, madalas pa tayong nagsisigawan. Weird, right? Tapos katulad ng iba, we started off as mortal enemies, then lovers. Eeeecccck. Ang labo noh?Takte ang haba na pala nito! May aayusin pa ako. Hahahahah =))Happy 18th Birthday, Love.I love you.P.S: Wag mo kong ipagpapalit kay Coco Martin. Uupakan kita.P.P.S: You and I will always be the first.
”Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan. Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito. Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award. Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba? Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan. Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.” Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin? Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term. Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila. Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon. Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo. Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron? Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon? Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang. Baka sabihin ninyo, drowing lang ako. I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo. Akin ang transcript na ito. Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako. This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN’T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times. Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.”
So kung may complicated situation na mangyari sa atin, I want you to remember three things…
I won’t give you up, I won’t let you down… but most of all..
I won’t let you go…Jon Erin;CrissCross
SDTG FEVER MUCH
So, to all the SDTG addicts there I just want to share my addiction to you. I’m sure you all remember the places where the Characters went or made their vacations.ayt? Just to give you visual pleasure, I want to share you some pictures.
310 Bar. The place where Kenji and Athena danced “Sexy LoVE”. I don’t know if the place is still existing, this was taken 2007, so If the place is still existing maybe there are lots of changes already but I think it’s better to reminisce with pictures taken the same year the author wrote the story :)
Natulog ako for 2 hours tapos naghanda na ko para sa lakad namin mamaya. mga 8:10 akonakarating sa 310. nandun na si Jigs, Sara, Kerb at Athena.——-Kenji
310 Full House
310 Garden
310 Porch Sitting
310 Landscape
310 Stage
credit goes to southbound.multiply.com
Marymount School Paranaque Philippines. The school of Lucas before transferring again to Southville.
Marymount High? Dito lang rin ata yun around BF eh.. pero hinde ako sure.. hinde naman ako lumilibot dito sa BF eh..——-Athena
Southville High. It is their school during HS, but I think it is Southville International School and Colleges in reality :P So I think maybe Athena,Kenji,Grace and Kirby spent also their college years there.
Southville Uniform. Actually the one described in the story is Southville’s uniform for Foreign University.
Tiningnan ko yung uniform ng school, maiksi yung sleeves nung blouse, maiksi rin yung skirt,parang sailor moon, tapos may blazer pa! wow. Cute. It’s color blue..navy blue! ^_^ ——-Athena
Southville Star Campus Computer Laboratory
Practical Art yung next subject, ibig sabihin sa computer room kami. Alphabetical yung pag assign,ang sama naman talaga ng taon ko na to. Si Kenji na naman ang katabi ko, since delos Reyes sya at at Dizon ako——Athena
Southville Star Clinic
Habang nag cclass nagpa excuse ako sa teacher para pumunta ng clinic, nakalimutan kong inuminyung gamot ko, pati sumama pakiramdam ko dahil sa napaka walang kwentang usap namin niKenji. Bakit ba pati si Kirby pinag hihinalaan niya?! akala ko ba kilala niya si Kirby?! Bakit pumasok sa kukote niya na may thing kaming dalawa?! Pwede ba! ———Athena
Southville Gymnasium. Where Kenji spent most of his time during those days practicing for Basketball.
So lahat ng classmates ko nag thank you sa akin at wala raw kaming math! Nag puntahan kaminglahat sa gym, dun nakita ko si Kirby naka ready na. nilapitan niya ako tapos may inabot sa aking illustration board. ——Athena
source: southville.edu.ph
while Jigs and Sara went to UP during their college years.
Nakuha na rin namin yung results sa universities na pinag applyan namin. Grace, Kirby, Lucas and Igot in South University, Sara and Jigs naman in UP.——-Athena
source: ofnow.com
Jeju Island. The place where Athena wanted to spend a vacation with Kenji but because she died already Kenji still went there holding Athena’s picture to make her wish came true. It is also known as the “Island of the Gods,” and a popular vacation spot for Koreans and many Japanese. It remains one of the top honeymoon destinations for Korean newlyweds.
“Meron.. gusto ko siyempre pumunta ng Korea kasama mo. Sa Jeju Island maganda dun! Gusto konext year dun naman tayo.. ganitong date rin! March 26..”———Athena
Here are some of the pics, if you want more just type it in your search engines. But the good thing about this photo, taken again last 2007 :)
credit goes to detaapritantia.wordpress.com
Likes, reblogs and comments are all appreciated.
If you want me to add more pictures, feel free to tell me. :)
I hope you enjoyed my SDTG visual tour :)
P.S: Is there really a PLANET GAMES?
I wish I was the sky, so I can immediately find where you are and protect you.Hiro;Koizora.